I'm crazy, I know. And sometimes, THAT drives me nuts.
Sa Pag-aaral
Pagpasensyahan na namang muli ang aking temporary hiatus sa mundo ng pagba-blag. Eto na naman ako, nagbubuhay estudyante. Walang pahinga, walang tulog, walang panahon gumawa ng kahit na ano maliban sa mag-aral. Gusto ko lang linawin ang isang bagay. Hindi po ako isang GEEK o NERD o kung anumang isteryotipo ang ibinabansag sa mga taong nagsusunog ng kilay.Sineseryoso ko lamang ang aking pag-aaral. Dahil hindi biro ang mag-aral. At hindi biro ang mag-aral sa Ateneo. At lalong hindi biro ang mag-aral sa Ateneo bilang 50% Tuition and Fees Scholar.At higit sa lahat, hindi biro ang mag-aral sa Ateneo bilang 50% TF Scholar, habang ang natitirang matrikula na kailangan kong bayaran ay pinagpapaguran ng aking mga magulang. Lahat ng gastusin ko ay mula sa dugo, luha at pawis nina Mommy at Daddy.Pero hindi lang DAHIL kina Mommy at Daddy.PARA rin sa kanila.Kaya sineseryoso ko ang aking pag-aaral.07 March 2006 at 7:28 PM