I'm crazy, I know. And sometimes, THAT drives me nuts. |
Naalala ko lang. Nagbabasa ako ng email ko sa aking Gmail account kahapon. May isang mensahe sa grupo yung isang kasamahan ko sa RegCom. Ikwinento niya na naglalakad daw siya kasama ng isang kaibigan sa kahabaan ng Katipunan (nasa may bandang Burgunday Plaza yata sila nun), tapos, bigla-biglang may mamang nakamotorsiklo ang humarurot at hinablot ang school bag niya. Maliban sa cellphone at wallet, kasama ring nanakaw yung mga school stuff niya. Eh shempre, masakit sa loob ng isang estudyante yun, noh. Paano na kung nandun yung project mo sa Philo na dalawang buwan mo nang ginagawa? Paano kung nandun yung lahat ng files na kailangan mo para sa Marketing Strategy paper mo? Paano na yung paper sa Psychology class mo na due in 15 minutes? Hassle talaga ang mawalan ng mga ganung klaseng bagay. Liban pa dun yung mga contacts mo sa cellphone na matagal mong hinagilap. Pati yung mga group pics at grad pics na binigay sa'yo ng mga kaklase mo nung high school. Mahirap talaga ang manakawan. Kaya talagang nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi ko pa nararanasan ang ma-snatchan.
Meron pa pala akong naalalang isang insidente. Nakasakay ako nun sa dyip papuntang UP (may bibilin ata ako nun sa SM North Edsa). May estudyante sa tapat ko, babae. Naka-iPod. Nung una, medyo nayayabangan ako sa kanya, kasi ayaw ko sa mga taong flashy. Eh lantaran ba namang ipinagmamalaki ang iPod. Pinapadali lang niya ang trabaho ng snatcher sa porma niyang iyon. Pero hindi iyon nangyari. Sa may estribo siya nakaupo, kaya sa right side niya lang siya may katabi. Lalaki yung katabi. Maitim. Hindi ko na maalala yung mukha. Nung may nagpara sa isang kanto, akala ko bababa na yung lalaking maitim. Pero nagstay pa siya ng mga 10 seconds matapos bumababa yung isang pasahero, tsaka siya muling nagpara. Dahil walang malay ang babaeng may iPod (yan kasi, sobrang lakas magpatugtog), siguro may na-sense na siya na something's wrong. Binuksan ang kanyang bag at hinalungkat ito. Either wallet or cellphone malamang ang hinahanap. To make the long story short (pero mahaba-haba na rin), nilaslas nung maitim na lalaki yung gilid ng Jansport niya. Nakita ng babae yung slash sa gilid, malapit sa zipper. (Now that I think about it, medyo mahina rin yung snatcher, dapat binukas na lang niya sa zipper. Nagpakahirap pa siyang laslasan yung bag. Eng-ong.) Tapos nun, medyo naawa na ako sa girl. Mukha siyang windang, medyo flushed ang itsura. Mangiyak-ngiyak. Pero wala naman kami lahat magawa. Nakuha na yung wallet at cellphone, eh. Buti na lang at nakapagbayad na siya. Hanep. Side mirror, school bag, wallet, cellphone. Lahat yata ng pwedeng idekwat, dinedekwat na ngayon. Anong klaseng mundo na ba ang meron tayo ngayon? Bakit ba nagkakaganyan na ang Pinoy? Sabi nga ni Mommy, "Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas, ganyan ang asal ng Pilipino. Paano ba tayo aasenso kung magnanakawan lang tayo?" Hanep talaga. 16 January 2006 at 12:36 PM
My name: clang My Home: View my complete profile |