<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10474472?origin\x3dhttp://crazyclang.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
Advanced
Preferences
I'm crazy, I know. And sometimes, THAT drives me nuts.

I Am A Christian

by Maya Angelou

When I say ... "I am a Christian,
"I'm not shouting "I'm clean livin'.
"I'm whispering "I was lost,
Now I'm found and forgiven."

When I say ..."I am a Christian,
"I don't speak of this with pride.
I'm confessing that I stumble,
And need CHRIST to be my guide.

When I say ... "I am a Christian,
"I'm not trying to be strong.
I'm professing that I'm weak,
And need HIS strength to carry on.

When I say ... "I am a Christian,"
I'm not bragging of success.
I'm admitting I have failed,
And need God to clean my mess.

When I say ... "I am a Christian,"
I'm not claiming to be perfect.
My flaws are far too visible,
But God believes I am worth it.

When I say ... "I am a Christian,"
I still feel the sting of pain.
I have my share of heartaches,
So I call upon His name.

When I say ... "I am a Christian,"
I'm not holier than thou.
I'm just a simple sinner
Who received God's good grace somehow.
28 July 2005 at 3:24 PM

Helpless

Ngayong araw na ito ay aking naranasan ang masaklap na katotohanan ng kasabihang, "You never know what you really have until it's gone."
Ni-reformat ang aming--aking-- computer ngayon.
At lahat, as in lahat-lahat, ng aking files ay naglaho sa ere.
The impact of the loss didn't hit me until I had my shower.
Napaiyak ako habang naliligo.
I don't care if you think na it's a shallow reason to cry over. Lahat ng files na nasa CPU na iyon ang buong buhay ko.
Lahat ng laman nun ay matagal ko nang pinakakaingatan.
Lahat ng files na yun, as dramatic as it sounds, tells a whole lot about my life.
Lahat ng files na yun, as nerdy as it seems, mapa-homework man, mga paper sa Fil, mga downloads sa Internet, mga compiled directories, mga past research papers, mga pictures with friends and family, ay napakahalaga para sa akin.

Lahat ng music files dun ay matagal kong inipon, pinagtiyagaang i-download at sinabayang awitan. Pati mga minus ones na ginamit kong pang-contest at sa iba pang okasyon, nag-evaporate.

Ngayong araw na ito, I realized na information is really, really, really crucial. I honestly feel naked knowing the fact that they're all gone.
Hanggang ngayon, I still can't fully comprehend what happened.
In a split second, everything vanished.
Sobrang apektado ako.
God.
19 July 2005 at 10:32 AM

Iba't-Ibang Panahon sa Salindong Family Household

Nasa Pilipinas man ang pamilya Salindong, hindi lamang dalawang uri ng panahon ang nararanasan sa kanilang tahanan. Tunghayan ang sari-sari at dinamikong panahon sa tahanan nina Daddy Roger, Mommy Madz, Clang, Ken, Kaye, Kevin, Flor, Bibo at Baby (shempre kasama ang aming dalawang pinakamamahal na pets na mga Siberian Dwarves).
TAG-ARAW: Ito ang panahon kung kailan pinagmamalupitan tayo ng araw. Dahil mainit at nakaka-skin cancer, kailangan ng sun protection (na lalo lamang nagpapapawis sa mukha).
TAG-LAMIG: Ito ay karaniwang nararanasan tuwing -ber months. Kapag sumapit na ang panahong ito, ibig sabihin ay kailangan nang mag-ipon ng datung para may pambili ng regalo sa mga mahal sa buhay.
TAG-INIT: Ito ang panahon kung kailan ang bawat miyembro ng pamilya ay naiirita sa isa't-isa. Kung minsan ay dahil wala lang (trip lang, kumbaga), dahil may maliit na bagay na pinagsimulan ng away (hal.: Hindi binalik ni Kaye yung suklay sa tamang lalagyan, hindi nilagay ni Kevin sa maruming damit ang kanyang sinuot na uniporme, nakakalatan si Mommy sa bahay, atbp.), o dahil sa nag-away sina Mommy at Daddy (shempre apektado na ang mood ng lahat).
TAG-BAHO: Ang panahong ito ay nangyayari lamang sa tuwing matagal na nawawala sa bahay ang pamilya (hal.: nagbakasyon sa kamag-anak). Madalas na sanhi ng panahong ito ay mga pagkaing nakaligtaang ilagay sa pridgider at nabulok. Posible rin na sa sobrang tagal ng pagkawala ng pamilya ay nangangamoy ihi na ng daga, ipis, at kung anu-ano pang kadiring peste (buti na lamang at hindi pa humahantong sa ganoong sitwasyon). Maaari rin namang dahil sa nasunog na niluluto (o sinusubukang iluto) ni Clang, na sa katotohanan ay hindi naman talaga marunong, kina-career lang kunwari.
TAG-LAMIG: Ang panahong ito naman ay karaniwang nagaganap matapos ng tag-init. Hangga't hindi pinipilit at pinapagalitan ng mga magulang na humingi ng tawad ang salarin sa nagawa nitong kabalastugan sa biktima, ito ang panahong umiiral. Subalit dapat ninyong malaman na ito ay temporary lamang dahil ito ay isang panahong transitory. Isa pa, malalagot kami kung hindi kami agad magso-sorry. Kami rin ang kawawa. Kaya ayun.
TAG-ASAR: Itong panahong ito ay isa sa mga kapana-panabik at talagang masayang sitwasyon para sa pamilya. Hindi tulad ng inyong iniisip, masarap ang tag-asar sa pamilya Salindong. Nagaganap kasi dito ang lahat ng katatawanan, mapa-corny man hanggang tunay na nakatatawang jokes. Mamamalas dito ang mga pambihirang hirit ni Daddy, mga kakaibang jokes ni Ken-Ken (hal.: centipede jokes, duwende jokes, atbp.), mga walang tunog na halakhak ni Kevin, mga add-ons ni Kikay, at shempre, mga UCJ (Universal Corny Jokes) ni Mommy. Kadalasa'y nagiging tampulan ng asaran at alaskahan ang huling nabanggit. Buti na lamang at sports si Mommy at hindi niya nararanasan ang susunod na panahon.
TAG-PIKON: Ang panahong ito ang forte ni Kevin. Tuwing dumarating ang panahong tag-asar at umaabot na sa puntong hindi na kinakaya ni Kevin ang mga pang-aasar ay nagiging panahon na ng tag-pikon. Hindi magandang hudyat ang panahong ito dahil maaaring biglang magbago ang panahon at maging tag-init na naman.
TAG-PULA: Kung may panahong master na master ni Kevin, aba'y hindi magpapatalo si Clang. Ang tag-pula ang panahong malimit na nagaganap sa tahanan ng mga Salindong. Sa katunayan, bumibisita ang panahong ito sa lahat ng babaeng miyembro ng pamilya bawat buwan (hindi lang ako sigurado kay Baby, pero feeling ko meron din). Pero wala pa ring hihigit sa sumpong na ipinapakita ni Clang sa 2-3 araw na ito. Ayaw niyang magpapapasok sa kwarto, hindi niya sasagutin ang mga katanungan ng kanyang mga kapatid, wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Pinsan ng panahong tag-pula ang panahong tag-irita. Eto rin pala ang panahon kung kailan nagiging extremely moody si Clang. Kung hindi siya nagiging emosyonal at naiiyak sa mga blog entries ng kanyang mga minamahal na kaibigan (nostalgic ba--> ito ang panahong nakagagawa siya ng mga highly emotional testimonials sa mga kaibigan niya sa Friendster) ay sobrang irita naman siya na nangangagat at nanununtok siya ng lalaki (pero nagpapaalam muna siya sa taong iyon, shempre). Dito rin mamamamalas ang kakaibang paglilihi ni Clang (kahit hindi siya buntis). Bigla-bigla na lamang siyang maghahanap ng squid balls, pizza, iced tea (mula sa Holy), tacos (mula pa rin sa Holy), o anumang hindi napapanahong pagkain. Pinakamainam na gawin sa panahong ito ay huwag na lamang bigyang pansin si Clang.
TAG-SAYA: Ito ang pinakamasayang panahon para sa Salindong family. Halata ba.
TAG-ULAN: Duh. Tag-ulan.
At iyan po, mga kaibigan, ang iba't-ibang uri ng panahon sa Salindong Family Household. Ako po si Clang Salindong, ang inyong weather girl sa araw na ito. Maraming salamat.
09 July 2005 at 9:44 PM

Who Am I?

 My name: clang
My Home:

View my complete profile

Sound Effects 

Feel free to sing along.


Wanna See A Celebrity? 

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from crazyclang. Make your own badge here.

Popularity Meter 


My Profile | Previous Posts | Archives | My Links | Shoutouts | Yahoo! | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.