Ipagpaumanhin ang aking naging pansamantalang pagliban mula sa mundo ng pagba-blag. (Okey, pangit pakinggan yun.) Nakakatawa, ngayon ko lang naisip na ung latest entry ko ay noong September pa. And oh may gulay, that's, like, AGES ago. At dahil doon, kahit ako mismo ay nakalimutan na ang existence ng blog na ito. Hindi ko na nga maalala yung url nitong website na ito. Grabayciousness to the highest libil. Pero thanks to a person named Louie, na for some reason ay nakapagcomment sa aking tagboard (hindi ko alam kung paano niya ginawa dahil sa aking pagkakaalam ay dysfunctional ang walang kwentang tagboard na nandito sa site na ito), ako'y muling nabuhayan muli--yes, ako'y muling nabuhayan muli--sa pagdadagdag ng entry... (Kaya kung gusto niyo ring maging sikat at ma-special mention sa aking entry, tag me naman. Or at least attempt to. Hehe.)Wash out. Ima be a star.(Labo.)PS. Sige na nga, I'll work on the stupid tagboard and make it work for next year. Para naman feeling ko may nakikipag-interact sa akin. Para kasi akong loser dito, type na lang ng type, wala naman nakakapansin. (Yak, biglang nag-senti ba.)16 December 2005 at 11:37 PM