<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10474472?origin\x3dhttp://crazyclang.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
Advanced
Preferences
I'm crazy, I know. And sometimes, THAT drives me nuts.

Mga Pilipino Nga Naman

Matapos ng napakatagal na panahon ng paghihintay, nakabili na rin kami ng bagong kotse. Hindi siya, as in, super bago, second hand na binili ni Daddy. Sabi niya kasi, hindi na praktikal ang pagbili ng napakabagong kotse kung may mahahanap naman ng okey at mapagtitiyagaan na. At totoo nga naman, oks na oks ang aming bagong car. Dumating ito last Thursday. Si Kikay pa nga ang unang nakapansin, eh. You see, sa tinagal nung lumang Toyota Corolla namin, eh na-memorize na naming lahat ang kakaibang tunog ng makina nito. Kung naging tao yung Corolla na yun, para siyang ubod na ng tanda, na nagmamakaawa nang mamatay. Ewan ko, mas matanda pa ata sa akin yung tsi-kots na yun. Dahil alam na namin ang 'ubo' ng aming naaagnas na kotse, hindi namin akalain na isang bagong Pajero na pala ang pumasok sa aming garahe. Gaya ng aking nabanggit, si Kaye lang ang nakahalata na tila iba ang tunog ng makina ng kotseng pumarada sa harapan ng aming magulong tahanan.
So ayun. Bali may bago na kaming car. Kulay blue pala siya, astigas na rin. Kakaroadtrip lang nga namin sa kanya kahapon, nung nag-church service kami sa Pampanga (at nakipagkita rin ako sa aking mga pinakamamahal na kaibigan). Kahit may konting comments si Mommy tungkol sa performance nung kotse, overall ay ayos naman ito.
Ngayong umaga, pagkagising sa akin ni Mommy, at habang sabay kaming nag-aalmusal (pero mga 10am na yun), nabanggit niya ang balita tungkol sa aming wheels.
"Ate, did you know, may nagnakaw ng side mirror natin."
"Ha?! As in, yung salamin? (Hanep, tinagalog ko lang.) Ninanakaw na rin ba ngayon yun?"
Oo daw, sabi ulit ni Mommy. Mahal kasi nabebenta ang mga ganun, kasi nga original. Naisip ko lang, siguro, matagal nang inaabangan yung kotse. Nakita na bago, at alam na hindi kayang isarado yung gate dahil sobrang dambuhala nung kotse (actually, niluluwa na siya nung garahe), kaya ayun, pinagsamantalahan.
Naalala ko lang. Nagbabasa ako ng email ko sa aking Gmail account kahapon. May isang mensahe sa grupo yung isang kasamahan ko sa RegCom. Ikwinento niya na naglalakad daw siya kasama ng isang kaibigan sa kahabaan ng Katipunan (nasa may bandang Burgunday Plaza yata sila nun), tapos, bigla-biglang may mamang nakamotorsiklo ang humarurot at hinablot ang school bag niya. Maliban sa cellphone at wallet, kasama ring nanakaw yung mga school stuff niya. Eh shempre, masakit sa loob ng isang estudyante yun, noh. Paano na kung nandun yung project mo sa Philo na dalawang buwan mo nang ginagawa? Paano kung nandun yung lahat ng files na kailangan mo para sa Marketing Strategy paper mo? Paano na yung paper sa Psychology class mo na due in 15 minutes? Hassle talaga ang mawalan ng mga ganung klaseng bagay. Liban pa dun yung mga contacts mo sa cellphone na matagal mong hinagilap. Pati yung mga group pics at grad pics na binigay sa'yo ng mga kaklase mo nung high school. Mahirap talaga ang manakawan. Kaya talagang nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi ko pa nararanasan ang ma-snatchan.
Meron pa pala akong naalalang isang insidente. Nakasakay ako nun sa dyip papuntang UP (may bibilin ata ako nun sa SM North Edsa). May estudyante sa tapat ko, babae. Naka-iPod. Nung una, medyo nayayabangan ako sa kanya, kasi ayaw ko sa mga taong flashy. Eh lantaran ba namang ipinagmamalaki ang iPod. Pinapadali lang niya ang trabaho ng snatcher sa porma niyang iyon. Pero hindi iyon nangyari. Sa may estribo siya nakaupo, kaya sa right side niya lang siya may katabi. Lalaki yung katabi. Maitim. Hindi ko na maalala yung mukha. Nung may nagpara sa isang kanto, akala ko bababa na yung lalaking maitim. Pero nagstay pa siya ng mga 10 seconds matapos bumababa yung isang pasahero, tsaka siya muling nagpara. Dahil walang malay ang babaeng may iPod (yan kasi, sobrang lakas magpatugtog), siguro may na-sense na siya na something's wrong. Binuksan ang kanyang bag at hinalungkat ito. Either wallet or cellphone malamang ang hinahanap. To make the long story short (pero mahaba-haba na rin), nilaslas nung maitim na lalaki yung gilid ng Jansport niya. Nakita ng babae yung slash sa gilid, malapit sa zipper. (Now that I think about it, medyo mahina rin yung snatcher, dapat binukas na lang niya sa zipper. Nagpakahirap pa siyang laslasan yung bag. Eng-ong.) Tapos nun, medyo naawa na ako sa girl. Mukha siyang windang, medyo flushed ang itsura. Mangiyak-ngiyak. Pero wala naman kami lahat magawa. Nakuha na yung wallet at cellphone, eh. Buti na lang at nakapagbayad na siya.
Hanep. Side mirror, school bag, wallet, cellphone. Lahat yata ng pwedeng idekwat, dinedekwat na ngayon. Anong klaseng mundo na ba ang meron tayo ngayon? Bakit ba nagkakaganyan na ang Pinoy? Sabi nga ni Mommy, "Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas, ganyan ang asal ng Pilipino. Paano ba tayo aasenso kung magnanakawan lang tayo?"
Hanep talaga.
16 January 2006 at 12:36 PM

Bagong Taon, Bagong Features

How do you like my new and improved blog? =)
For starters, you can TAG me now! Hooray! Turns out that my ex-tagboard provider (oooh, that sounds so good!) was the only thing with a problem. I had a serious heart to heart with my old taggie and told him, "I don't deserve you." And so he's gone now. Buh-bye, old taggie. Say hello to my new love! Now, what name will I give you? C'mon, friends, help me think! (Just TAG me your suggestions. Hihi.)
Moving over, aha! Clang has a spankin' new media player! Hooray! How cool is that?
Scroll down some more... Surprise! Wanna see a celebrity? Just click on my pics and you'll get your celebrity.
And to finish off the grand blog makeover, I have a mini-poll! And guess what? You can VOTE in the poll! (What else do you think it's for?) Double hooray!

Oh, before I forget, did you click a prompt saying I'm the most gorgeous living creature in the whole wide world or something like that? Totally not me. Some hacker installed that thing. I just have to put up with it, it's gonna be there every time anyway.
So, whatchatink? Like it? C'mon. Put a smile on my face. Haha.
Later, dudes!
(WOOO Girls, if you’re reading this, all the songs my media player is especially dedicated to you. To us.)
10 January 2006 at 11:57 PM

Who Am I?

 My name: clang
My Home:

View my complete profile

Sound Effects 

Feel free to sing along.


Wanna See A Celebrity? 

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from crazyclang. Make your own badge here.

Popularity Meter 


My Profile | Previous Posts | Archives | My Links | Shoutouts | Yahoo! | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.